^

Probinsiya

2 mister tinodas, misis ginahasa

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Dalawang mangingisda ang pinatay at inihulog sa isang balon ng tatlong lalaki habang gina­hasa naman ng mga salarin ang asawa ng isa sa mga biktima sa Sitio Tagiktik, Ba­­ rangay San Agustin, Aro­roy, Masbate ng kama­ka­lawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Ricardo Pilar, 69-anyos, biyudo; at Romeo Aparel, 30-anyos, may asawa, kapwa resi­dente ng Sitio Tagiktik.

Gayunman, nadakip ng pulisya ang dalawa sa mga suspek na sina Melchor Cua­re, 18-anyos, binata, wa­lang trabaho at resi­dente ng Sitio Loco, Ba­rangay Malubi; at Mar­vin Roxas, 17, binata, mag­sasaka at resi­dente ng Sitio Dongon ng naturang ba­rangay.

Tinutugis pa ng pulisya habang isinusulat ito ang nakatakas pang suspek na si Rolly Manlapaz, nasa hus­tong gulang, at re­sidente ng Barangay Igang, Mas­bate City.

Nag-iinuman sa naturang lugar sina Pilar at Aparel nang big­lang dumating ang mga salarin at walang sabing hi­nataw ng matigas na bagay ang ulo ng mga biktima, igi­na­­pos ang mga kamay saka nilagyan ng mabigat na bagay sa likuran at inihulog ang mga ito sa isang balon.

Matapos isagawa ang krimen ay halinhinang gina­hasa ng mga salarin ang asa­wa ni Aparel.  (Ed Casulla)

vuukle comment

APAREL

BARANGAY IGANG

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

MELCHOR CUA

RICARDO PILAR

ROLLY MANLAPAZ

SHY

SITIO TAGIKTIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with