Misis dinedo ng mister

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa mo­tibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 36-anyos na misis ng kanyang mister sa Ba­rangay Salinas, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Labimpitong saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Lanie Magbanua habang sugatan na­man ang anak nitong si Jasmin, 3. Kalaboso naman ang sus­pek na si Ricky Magbanua matapos maaresto ng pulisya. Napag-alamang kinompronta ni Ricky ang kanyang asawa kaugnay sa kumakalat na balitang may ibang karelas­yong lalaki na itinanggi naman ng huli hanggang sa mauwi sa pama­maslang. Cristina Timbang

Show comments