2 container van sinunog

MANILA, Philippines - Dalawang container van ng Dole Stanfilco ang iniulat na sinunog ng mga rebeldeng New Peoeple’s Army sa bisinidad ng Barangay Camanlangan, New Batas, Compostela Valley Province.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Aaron Aquino, na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na nagtayo ng checkpoint ang grupo ng Guerilla Front 27, Southern Mindanao Regional Command kung saan dumaan ang dalawang container van na may pla­kang NUK 266 at NUR 398 na patungo sana sa bayan ng Ma­ragusan para kumuha ng kargamento.

Dito na pinababa ang mga drayber bago binuhusan ng gasolina at sinilaban ang da­lawang sasakyan. Pinaniniwalaang may kaugnayan ang pa­nununog sa pagtangging magbigay ng revolutionary tax sa NPA ang may-ari ng nasabing kompanya. Ricky Tulipat

Show comments