Nanay inutas ni tatay
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya napaslang ang isang 50-anyos na misis ng kanyang mister makaraang saksakin sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Old Sagay, Sagay City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.
Napuruhan sa dibdib si Eugenia Cerilla, habang rehas na bakal naman ang hinihimas ng suspek na si Viviano Cerilla.
Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-9 ng gabi nang marinig ng ilang kapitbahay ang sigawan ng mag-asawa.
Ilang minuto ang nakalipas ay nagsisigaw ang babae at humihingi ng tulong subalit inabutan ng mga kapitbahay ang duguang katawan ng biktima. Joy Cantos
- Latest
- Trending