P4M gamot nasabat

BULACAN, Philippines – Umaabot sa P4 milyong halaga ng kontra­bando na sinasabing naglalaman ng mga pekeng gamot ang nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at 306th Provincial Police Mobile Group sa isinagawang operasyon sa bisinidad ng Brgy. Binagbag sa bayan ng Angat, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Romulo A. Lopez ng Manila Regional Trial Court Branch 34, ni-raid ang bahay ni Vicencio “Bulag” Santos kung saan natagpuan ang iba’t ibang uring gamot na sinasabing expired at tangkang ipakalat sa mga tindahan. (Boy Cruz)

Show comments