KIDAPAWAN CITY, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isa sa security escort ng mataas na opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa bisinidad ng Cotabato City noong Martes ng hapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Wilfredo Dangane, hepe ng Cotabato City PNP, ang napaslang na si retired Staff Sgt. Criscente Danieles, alalay ni Atty. Cynthia Guiani-Sayadi, solicitor-general ng ARMM regional government.
Base sa police report, na minamaneho ni Danieles ang kanyang sasakyan pauwi sa Urban Poor Village sa Barangay Rosary Heights-9 nang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan. (Malu Manar)