MANILA, Philippines - Umani ng tagumpay ang isinusulong na peace talks ng pamahalaan makaraang sumuko ang 66 na rebledeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao, ayon sa ulat kahapon.
Ayon kay Army spokesman Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., ang 66 MILF rebs ay sumurender sa ginanap na joint ceremony sa Peace and Development Program ng Army’s 603rd Brigade sa pamumuno ni Col. Ernesto Aradanas at ng lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga nagsisukong rebelde ay nagmula sa mga bayan ng Barira, Kalangas sa Lanao del Sur, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao at sa bayan ng Buldon, Maguindanao.
Sumasailalim na sa masusing interogasyon ang mga rebelde habang patuloy naman ang pakikipag-ugnayan sa iba pang MILF rebs. (Joy Cantos)