Pinupulitika ako - Governor Evardone
MANILA, Philippines - “Walang basehan at pamumulitika lang ang reklamo laban sa akin ni Rep. Teodolo Coquilla.” Ito ang pahayag ni Gov. Evardone kaugnay ng inihaing reklamo ni Coquilla sa Ombudsman laban sa gobernador.
Ani Evardone, kahinahinala ang reklamo laban sa kanya dahil naganap matapos siyang (Evardone) i-endorso ng mga mayors, board members at barangay chairmen na kumandidatong Kongresista sa darating na eleksyon sa 2010.
“Obviously, he (Coquilla) is running scared because of his non-performance and the groundswell of support I get from the local leaders if I decide to run for Congress against him next year,” Ani Evardone.
Nilinaw ni Evardone na ang reklamo ni Coquilla kaugnay ng umano’y overpricing ng mga biniling hand tractors, pump boat engines at iba pang heavy equipment noong 2006 ay nirepaso ng Commission on Audits (COA) na nagsabing walang nangyaring overpricing. Ani Evardone, ito ay aprobado ng provincial board.
Sa reklamo ni Coquilla, binili daw ng pamahalaang panlalawigan ang mga hand tractors sa halagang P90,000 at ibinenta sa mga magsasaka sa presyong P85,000, kaya nalugi ang pamahalaan ng P5,000 sa bawat traktora. Dagdag ni Evardone, ang layunin ng pamahalaang panlalawigan ay huwag bigyan ng kabigatan ang mga magsasaka.
Sa reklamong nagbibigay ang provincial government ng financial support sa NGOs at mga taong nasa krisis, sinabi ni Evardone: “What is wrong in giving financial aid to the Federation of Barangay Health Workers (BHW) for the purchase of medical kits or the Seniors Citizens organizations, and what is wrong with helping people whose relatives are in hospitals or whose children need to pay tuition fees?”
Nagpahayag ng pag-asa si Evardone na ididismis ng Ombudsman ang reklamo dahil wala ni isang kusing na napunta sa kanyang bulsa.
- Latest
- Trending