Rapist ng 3 dalagita dakma

BULACAN , Philippines   – Rehas na bakal ang kinahantungan ng isang 45-anyos na lalaki ma­karaang arestuhin ng pulisya sa kasong pang­hahalay sa tat­long dalagita sa loob ng hotel sa Barangay Ba­gong Buhay sa San Jose del Mon­te City, Bu­lacan. Pormal na­­man kinasu­han ang suspek na si Ricardo Faustino ng Brgy. Mi­nuyan, Norzagaray habang nasa kos­todiya ng CSWD ang tatlong biktima na pawang nakatira sa mga Brgy. Fatima V, Dulong Bayan at sa Brgy. Citrus. Sa police report, mag­kakasunod na hi­na­lay ang mga biktima sa loob ng Lacan­dra Hotel sa Brgy. Ba­gong Bu­hay 1 noong Hulyo 22 hang­gang Agosto 17. Napag-ala­mang bi­nigyan ng pera ang mga bikti­mang pi­nainom muna ng alak ma­tapos isagawa ang maitim na balak ng suspek. Boy Cruz


Show comments