Nagpatayan sa sayawan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dalawang mister na sinasabing nagkaselosan sa sayawan ang kapwa kinarit ni kamatayan makaraang magduwelo kamakalawa ng gabi sa Barangay Banguerohan, Legazpi City. Kapwa idineklarang patay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sina Juan Marcaida, 47; at Bernardo Medallion, 34. Batay sa police report, lumilitaw na dumalo sa sayawan sa plaza ang mag-asawang Marcaida kung saan nagkataon naman dumalo rin si Medallion. Napag-alaman na dating manliligaw si Medallion sa misis ni Marcaida kaya isinayaw nito. Dito nagselos si Juan na nauwi sa matinding komprontasyon na nauwi sa saksakan. Ed Casulla

Show comments