CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isa na naman cell site ng Globe ang sinabotahe ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng gabi sa Barangay Agdangan sa bayan ng Baao, Camarines Sur.
Sa police report, lumilitaw na bandang alas-9 ng gabi nang salakayin ang cell site na walang bantay.
Sinamantala ng mga rebelde na buhusan ng gasolina ang mga apparatus ng cell site saka sinilaban.
Pinaniniwalaang may kaugnayan sa revolutionary tax na hinihingi ng mga rebelde subalit tumatangging magbigay ang may-ari ng cell site. (Ed Casulla)