Coed na kinidnap nailigtas

MANILA, Philippines - Nailigtas sa kamay ng mag-amang kidnaper ang isang 17-anyos na kolehiyala sa isinagawang operasyon sa Barangay Dangulan, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Supt. Felicisimo Khu Jr., ang biktima na si Joyce Bag-ao samantalang nadakip naman ang mag-amang sina Ahmad Dibaratun at Jomali Dibaratun.

Una rito, nasakote sa entrapment operation sa fast­food chain sa Cotabato City noong Sabado ang ama ni  Jo­mali na si Ahmad Dibaratun habang puwersahang pi­na­pipirma sa dokumento si Myrna Bag-ao, ina ni Joyce na nagsasaad na hindi dinukot kundi kusang sumama sa kaniyang binata o nagtanan ang biktima at ang batang Dibaratun.

Ayon sa pulisya, si Ahmad  ay umaming nakipag­sab­watan sa anak kaya kaagad na nagsagawa ng follow-up operations ang pulisya at nagresulta sa pagkakaligtas sa biktima.

Si Joyce ay dinukot ni Jomali habang kumukuha ng pag­susulit sa STI Computer College sa Cotabato City noong Biyernes ng Hulyo 17. (Joy Cantos)


Show comments