^

Probinsiya

Jeepney vs truck: 7 katao utas

-

CAVITE, Philippines – Pitong sibil­yan ang kumpirma­dong namatay samanta­lang ma­lubha naman ang kalaga­yan ng tatlong iba pa maka­raang sumalpok ang pam­pasaherong jeep­ney sa kasalubong na tractor truck sa kahabaan ng Soriano Highway sa Barangay Bagao 2 sa bayan ng General Trias, Cavite kama­kalawa ng gabi.

Kabilang sa mga nasawi ay ang drayber ng jeepney na si Carmelo Borbe, ang limang pasahero na sina Jocelyn Emolaga, Fran­cesca Agacan, John Ver­non Agacan, Aderliza Ca­pilo at ang dalawa na ina­alam pa ang pagkakaki­lanlan.

Naisugod naman sa Divine Grace Hospital sa bayan ng Rosario sina Roxanne del Mundo, Moises Luaton at si Mon Brian Agacan kung saan inilipat si Del Mundo sa Manila Orthopedic Hospital dahil sa matinding sugat sa katawan.

Ayon sa police report, binabagtas ng passenger jeepney (DER-733) ang ka­habaan ng highway sa Barangay Bacao 2 nang banggain ng kasalubong na Isuzu tractor truck (RDU-904) na minama­neho ni Shalom Sidnet Suarez matapos umober­take sa naunang sasakyan ban­dang alas-9:40 ng gabi.

Napag-alamang patu­ngo sa bayan ng Noveleta ang pampaseherong jeep­ney habang patungo naman sa bayan ng Tanza ang truck na nakarehistro sa One Trucking Services sa Parañaque city nang maganap ang trahedya.

Kasalukuyang nakapiit na si Suarez sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Ge­neral Trias habang iniha­handa ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple physical injuries laban sa kanya.

vuukle comment

ADERLIZA CA

AGACAN

BARANGAY BACAO

BARANGAY BAGAO

CARMELO BORBE

DEL MUNDO

DIVINE GRACE HOSPITAL

GENERAL TRIAS

JOCELYN EMOLAGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with