5 kidnaper tumba sa shootout

MANILA, Philippines - Nagwakas ang pagiging notoryus na miyembro ng kidnap-for-ransom at robbery/holdup gang ng li­mang kalalakihan matapos mapaslang sa pakikipag­barilan sa mga tauhan ng Police Anti-Crime Emergency Response, lokal na pulisya at ng tropa ng mi­litar kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Da­wel-Lucao diversion road sa Dagupan City, Panga­sinan.

Kabilang sa mga napa­tay na sinasabing mga kidnaper ay sina Elisco Emus­lan, 34, ng San Andres Bu­kid, Manila; Jesus Matien­zo Jr., 40, ng Masbate, Masbate; Joey Tindugan, 34, ng M’lang, North Cota­bato; Glenn Ares, 32, ng Caalibangbangan, Ca­ba­natuan City; at si Edgardo Estrella, 39, ng Bagong Barrio, Caloocan City.

Base sa impormasyon na natanggap ni P/Supt. Mariano Luis Verzosa, lu­militaw na may negosyante na planong kidnapin ng grupo sa bahagi ng Dagu­pan City.

Kaagad namang bumuo ng pangkat si P/Chief Supt. Ramon Gatan hanggang sa maispatan ng mga aw­toridad ang mga suspek na lulan ng kulay puting van na walang plaka sa kaha­baan ng Bonuan Binloc area.

Ang nasabing van ay nauna nang napaulat na kinarnap noong Hulyo 28 habang nakaparada sa harapan ng A.B. Fernan­dez East sa Dagupan City.

Nang sisitahin sana ng mga awtoridad ang van ay bigla na lamang pinaha­rurot kaya nagkahabulan hanggang sa magkapa­litan ng putok ang magka­labang panig.

Narekober sa pinang­yarihan ng engkuwentro ang sari-saring uri ng mga baril kung saan apat sa mga ito ay may identification cards ng AFP na kasa­lukuyan inaalam ng pu­lisya. Joy Cantos at Cesar Ramiez

Show comments