MANILA, Philippines - Isang station manager ng RCPI, Western Union na sinasabing pumalag sa holdap ang binoga sa mukha ng mga di-pa kilalang kalalakihan kamakalawa sa bisinidad ng Jaena Street sa San Nicolas, Poblacion sa bayan ng Concepcion, Tarlac. Ang biktimang nakikipaglaban kay kamatayan habang gina gamot sa Sta. Rita Hospital ay nakilalang si Ariel Miclat, 26. Ayon sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na ang biktima ay nag-withdraw ng P.5 milyon at $1,000 sa Banco de Oro Concepcion Branch para sa operasyon ng RCPI, Western Union. Gayon pa man habang naglalakad patungo sa kanilang opisina ay hinarang at tinutukan ng baril ng dalawang armadong lalaki. Pumalag naman ang biktima na ibigay ang kaniyang clutch bag na naglalaman ng nasabing pera kaya binaril ng holdaper sa mukha. Joy Cantos