MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang tatlong buwang buntis na misis na sinasabing hinalay muna bago pinaslang ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa lib lib na plantasyon ng tubo sa Sitio Pulo-Lunoy, Brgy. Hawaiian sa Silay City, Negros Occidental kamakalawa.
Ang biktimang may ilang araw nang nawawala bago natagpuan sa mababaw na hukay ay nakilalang si Rubilyn Cartega.
Ayon kay P/Chief Inspector Rico Santotome Jr., lumilitaw na simula pa noong Huwebes ng hapon ay hindi na nakauwi pa ang biktima matapos magpaalam sa trabaho dahil sa pagsusuka at masama ang pakiramdam nito.
Napag-alamang si Rubilyn at ang asawang si Danilo ay kapwa nagtatrabaho sa Hawaiian Sugar Central kung saan contractual secretary ang babae.
Ang biktima na sinasabing walang pang-ibabang saplot, punit ang damit pang-itaas, at tinabunan ng duguang fatigue uniform saka bahagyang ti nabunan ng lupa ay natagpuan kamakalawa ng asawa nitong si Danilo, pinsang si Gerald Roquero at utol ni Ruby na si Roderick Roquero sa bahagi ng Sitio Pulo-Lunoy, sa Brgy. Hawaiian.
Pinaniniwalaang isa hanggang tatlong lango sa bawal na droga ang humalay at pumaslang sa biktima.
Narekober ng pulisya ang bag ng biktima, isang fatigue na damit na duguan habang sinulatan pa ng mga killer ang folder na nakalagay. “Pasenya ka lang day kay ginsugo lang kami ni kabo” (pasensya ka na misis napag-utusan lang kami ni amo.”