Negosyante hinostage ng naghiganting anak

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang 24-anyos na dalagang kolehiyala na si Joy Licayan ang naku­long at nahaharap sa iba’t ibang kaso makaraang bihagin niya ang isang mag-asawang negosyante na dating amo ng kanyang ama para ipaghiganti ito.

Ayon sa naantalang ulat ng pulisya kahapon, may dalang patalim si Licayan nang pasukin niya ang ba­hay ng mag-asawang James at Mercy Co sa Ba­rangay Victory Norte, San­tiago City, Isabela noong Hulyo 21.

Binihag ni Licayan ang mag-asawang Co bago nagbantang susunugin niya ang bahay ng mga ito bilang paghihiganti sa pagtanggal ng mga ito sa kanyang ama sa trabaho nito bilang driver ng mga biktima.

Umabot sa isang oras bago nakumbinse ng mga awtoridad ang suspek na sumuko.

Lumalabas sa pagsisi­ya­sat ng pulisya na sob­rang depresyon ang nagtu­lak kay Licayan para i-hostage ang mga biktima dahil nahinto siya sa pag-aaral makaraang mawalan ng trabaho ang kanyang ama. (Victor Martin)

Show comments