2 kidnaper tiklo, trader nailigtas

RIZAL, Philippines — Nabawi ng mga awtoridad ang isang ne­gos­yanteng Bumbay habang naaresto naman ang dalawa sa apat kahapon sa bayan ng Cainta, Rizal. Kinilala ng pulisya ang naisalbang biktima na si Murjan Singh Gira, 58, ng Brgy. San Roque, Marikina City. Si Gira ay ginagamot ngayon sa Amang Rodriguez Medical Center matapos magtamo ng mga pasa dahil sa pambubugbog ng mga kidnaper.

Suma­sailalim na sa interogasyon ang mga suspek na sina Leo Inguito, 20; at Leo Cruz, 29, ng SM Village, Sucat, Mun­tin­lupa City. Napag-alamang dinukot ang biktima habang na­niningil ng pautang sa ilang residente sa Brgy. Con­ cepcion Uno saka dinala sa Adelina Homes sa Brgy. San Isidro, Cainta lulan ng Mitsubishi Lancer (PNH 154). Nagawa pang makipambuno sa baril ng biktima kay Inguito sanhi upang pumutok ito at tamaan ang suspek sa balikat.

Sa kabila nito, nagawa pa ring maipasok sa loob ng kotse ang biktima makaraang pagtulungan itong bugbugin. (Danilo Garcia)


Show comments