Ultimatum para linisin ang ilog sa Bulacan

MANILA, Philippines - Binigyan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng 30-araw na ultimatum ang mga opisyal ng local na pa­mahalaan para linisin ang Ma­rilao-Meycauayan-Obando river system sa Bulacan.

Ayon kay DENR Secretary Lito Atienza, kailangan din aniya ng tulong ng mga opis­yal ng pamahalaan ng Calo­ocan at Valenzuela sa Metro Manila, bukod pa sa mga ba­yan ng San Jose del Monte, Meycauayan, Marilao, Oban­do at ang bayan ng Sta. Maria sa Bulacan.

Sinabi ni Atienza, malaki ang tsansa na malinis ang nabanggit na ilog kung sama-samang magtutu­lungan ang mga opisyales.

Samantala, binalaan ni Atienza ang mga opisyal sa mga nabanggit na siyudad at munisipalidad na mahaharap sa administrative charges kapag nabigo ang mga ito na makipagtulungan sa rehabilitation ng naturang ilog.

Matatandaan na ang Marilao River ay tinukoy sa ulat ng Blacksmith Institute na isa sa pinakamaruming ilog sa buong mundo. Ricky Tulipat

Show comments