5 kawani ng logging firm na binihag, nasagip
MANILA, Philippines - Ilang araw matapos na bihagin, nailigtas ng mga awtoridad ang limang manggagawa ng logging firm ss kamay ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front renegades sa Lanao del Sur kamakalawa.
Kabilang sa mga biktimang nailigtas ay sina Eudillo Padilla, Rene Morteza, Felipe Lanuza, Vicky Lanuza at si Gerald Kabanig.
Ayon kay Lt. Col. Romeo Brawner Jr., ang mga biktimang nagmula pa sa Sitio Man-ay, Tignapoloan, Cagayan de Oro City at mga manggagawa ng Vicmar Logging Concession ay binihag ng grupo ni MILF renegades leader Basit Kauyag noong Miyerkules sa Sitio Champion, Brgy. Panoruganan sa bayan ng Kapai.
Bandang alas-2:45 ng hapon nang masagip ang mga biktima ng tropa ng Army’s 103rd Infantry Brigade sa pamumuno ni Col. Rey Ardo at ng 1501st Provincial Mobile Group sa operasyon sa Poblacion, Kapai, Lanao del Sur.
Patuloy naman ang opensiba ng militar upang lansagin ang grupo ng MILF renegades na sangkot sa karahasan sa Kamindanawan. Joy Cantos at Ricky Tulipat
- Latest
- Trending