SAN MATEO, Rizal, Philippines —Tinatayang aabot sa 800 lider ng multi-sectoral at religious group ang nakatakdang sumuporta sa kandidatura ni Bro. Eddie Villanueva sa pagkapangulo sa 2010 elections. Pawang nakasuot ng yellow t-shirt na may nakasulat na “Di Kami Nababayaran,” EDDIE “Kami ang Tularan,” “Diyos at Bayan”, at “Bangon Bagong Pilipinas Movement”, ang mga suporta kay Bro. Eddie kung saan dinagsa ang pagpupulong sa Patio Isabel y Jardin, Gen. Luna St., Gitnang Bayan 1, San Mateo. Ayon sa organizer ng okasyon na si Milinia Nuesca, na ito ang pinakaunang naganap sa kasaysayan ng bayan ng San Mateo at Rodriguez kung saan ang multi-sectoral at religious group ay nagkaisa para suportahan si Bro. Eddie sa kanyang kandidatura. Ka bilang sa mga panaugunahing dumalo sa pagpupulong ay sina Bishop Leo Alconga, Bishop Daniel Balais, mga lider ng multi-sectoral at religious groups. Nagpapasalamat naman si Bro. Eddie sa mga sumuporta sa kanya at pasyon upang makita nila na ang bansang ito ay pamamahalaan ng mga lider na walang motibong pansarili kundi lubusang maglingkod ng taumbayan.