Police headquarter pinasabog
MANILA, Philippines – Niyanig ng sunud-sunod na pagpapasabog ang headquarters ng Davao del Norte Police Provincial Office sa Tagum City kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay P/Chief Supt. Pedro Tango, tumama sa tennis court ang pinakawalang bala ng M203 grenade launcher kaya’t walang nasugatan o nasawi sa pagsabog na naganap bandang alauna ng madaling-araw.
Ang pagpapasabog ay lumikha ng pinsala sa nabanggit na headquarters na nakaalarma rin sa mga residenteng naninirahan malapit dito.
Blangko pa ang mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog.
Sa tala ng pulisya, ang Davao del Norte ay kapwa balwarte ng mga rebeldeng New People’s Army at maging ng pasaway na MILF renegades na nagsitakas sa Central Mindanao. – Joy Cantos
- Latest
- Trending