Referee dinukot ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang refe­ree sa basketball tournament na sinasabing may ma­tinding atraso ang iniulat na dinukot saka pinaslang ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng gabi sa Barangay Madbad sa bayan ng Cawayan, Masbate.

Nakaposas pa ang dalawang kamay at tad­tad ng bala ng baril nang matagpuan ang bangkay ni Ferdinand Reyes, 38, miyembro ng Masbate Basketball Referees Association at residente ng Brgy. Poblacion.

Napag-alamang nagpapahinga ang bik­tima sa bahay ni Roger Tacuran nang isagawa ang krimen. (Ed Casulla)

Show comments