P.6-milyong celpon nilimas

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Tinatayang aabot sa P.6 milyong halaga ng ari-arian ang nalimas makaraang looban ang FM Celfon and Accessories Store sa Mega Market sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng madaling-araw. Ban­dang alas-6 na ng umaga nang nadiskubre ng may-ari na nawawala ang mga panindang celpon kung saan nilagare ang padlock.

Ayon kay P/Insp. Benjamin Mauricio, hepe ng anti-vice and investigation division ng Kidapawan City PNP, posibleng organisado ang grupong nasa likod ng pagnanakaw. Ito na ang pinakamalaking kaso ng nakawan simula noong Enero kung saan nilooban ang Asian Hills Bank and Lending Institution noong Marso. (Malu Manar)

Show comments