130 MILF rebs sumuko
MANILA, Philippines - Umaabot sa 130 rebeldeng Moro Islamic Liberation Front na sinasabing mga tauhan ni Commander Bravo ang sumuko sa tropa ng militar sa bayan ng Tubod, Lanao del Norte kamakalawa.
Ang mga nagsisukong rebelde na nagmula sa 101st, 302nd, 303rd at 5th Base Command ay iprinisinta kay Defense Sec. Gilberto Teodoro nina Lanao del Norte Governor Khalid Dimaporo, 2nd District Rep. Abdullah Dimaporo at ng mga commander ng militar. Ayon kay Col. Benito Antonio de Leon, commanding officer ng Army’s 104th Brigade, na namuno sa negosasyon para sumuko ang MILF sa pangunguna ni Kayamura “kalayaan” Mangilala, kumander ng 1st Battalion, 302nd Base Command ng Bangsa Islamic Armed Forces.
Kasaluku yan nang isinasailalim sa masusing tactical interrogation ang mga nagsisukong MILF renegades. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending