CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinaniniwalaang matinding selos kaya pinagsasaksak hanggang sa mapaslang ang isang 50-anyos na biyuda ng kanyang ka-live-in kahapon sa Barangay Nursery sa Masbate City, Masbate. Nakilala ang nasawi na si Nessie Rodrigo habang naaresto naman ang suspek na si Enriquito Bantayan, 66. Sinasabing may ilang karelasyon ang biktima kaya kinompronta ng suspek hanggang sa mauwi sa pananaksak. Ed Casulla