Putol-kamay sa dinamita

LINGAYEN, Pangasinan, Philippines — Maging aral sana ang naganap na insidente sa isang mangingisda na naputulan ng kamay matapos na sumabog ang dinamita na gina­gamit nito sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Capan­danan, Lingayen Gulf kama­kalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating sa Pangasinan police office, naputol ang kanang kamay ni Zaldy Salva ma­karaang sumabog ang dinamita na kanyang hawak ha­bang si Virgilio Castro naman ay nasugatan.

Naisugod naman ang dalawa sa Jesus Nazarene Hospital. (Cesar Ramirez)

Show comments