2 utas sa bike crash

PANGASINAN, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos sumalpok sa poste ng kuryente ang kanilang motorsiklo naganap na sakuna sa Malued District sa Dagupan City, Pangasinan noong Miyerkules ng gabi. Kapwa namatay Region 1 Medical Center sina Jerry Ma­cat­bag, 26 at Erwin Gorospe, 23, kapwa nakatira sa Bo­losan District, Dagupan City. Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo nang mag-swerve sa kanang bahagi ng kalsada at sumalpok sa poste. - Cesar Ramirez


Show comments