^

Probinsiya

Local registrar 'sinibak' ng Civil Service Commission

-

BAGUIO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang kapa­bayaan sa tungkulin, kaya sinuspinde ng pamunuan ng Civil Service Commission ng tatlong buwan ang isang lokal civil registrar ng bayan ng Dolo­res, Abra.

Sa isinagawang im­bestigasyon ng CSC, lumilitaw na ginamit ang oras ng pama­halaan para magpa-manicure ang local registrar na si Loraine Agatha Turqueza kung saan tatlong buwang itong suspendido at walang matatanggap na suweldo.

Bukod sa pagiging pabaya sa tungkulin ay inirereklamo rin ang pagiging arogante nito sa mga residenteng nakikipagtransaksyon sa munisipyo.

Ayon kay Dolores Mayor Albert Guzman, si Turqueza ay luma­bag sa Code of Conduct ng Civil Service Commission kaya pan­samantalang baba­kantihin nito ang pu­westo simula Hunyo 19 hanggang Setyem­bre19, 2009.

Umapela pa si Tur­queza sa punong tang­gapan ng CSC subalit binalewala ang kan­yang alibi at itinuloy ang suspension.

Kasunod nito, hindi nagtatapos ang kal­baryo ni Turqueza kung saan ay muling ma­sususpinde ng 3-buwan matapos ma­patunayan naman ng Office of the Ombudsman na tumanggap ito ng P400 mula sa marriage contract applicant sa bayan ng Do­lores nang walang ibinigay na resibo kung saan hindi naayon sa tungkulin ng isang civil registrar base na rin sa Local Government Code.

Ipinag-utos din ng Ombudsman na sam­pahan ng kasong es­tafa si Turqueza bukod pa sa administrative penalty na ipinataw ng CSC. - Artemio A. Dumlao

ABRA

ARTEMIO A

CIVIL SERVICE COMMISSION

CODE OF CONDUCT

DOLORES MAYOR ALBERT GUZMAN

LOCAL GOVERNMENT CODE

LORAINE AGATHA TURQUEZA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SHY

TURQUEZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with