Misis ginilitan ng senglot

CAUAYAN CITY, Isabela, Philippines – Ginilitan at napatay ang isang 42-anyos na misis na sinasabing nakipagtalo sa senglot na lalaki sa Barangay Santa Luciana, Cauayan City, Isabela.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Judith Buenaflor habang naaresto naman ang suspek na si Marlon Maramag, 19, ng Brgy. Maligaya.

Napag-alamang kinompronta ng sus­pek ang biktima kaugnay sa pagkakasibak niya sa trabaho kung saan ang mister ng babae ang pumalit noong Biyernes. Dito na nag­ka­sigawan ang dalawa sa loob ng bahay ng bik­tima hang­gang sa mauwi sa pamamaslang. (Victor Martin)

Show comments