Bike vs van: 2 patay

RIZAL, Philippines — Trahedya sa highway ang sumalubong sa mag­kaibigang lalaki na lulan ng motorsiklo matapos masalpok ng kasalubong na van sa Sumulong highway kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Renato Cabural at Victor Astebe na kapwa naninirahan sa #93 Abello Compound, IVC Sitio Olandes, Marikina City. Pormal naman kakasuhan ang drayber ng van (USC515) na si Gilbert Dagohoy, 28, ng Guttierez Compd, Bagong Bayan, Ta­­guig City.

Napag-alamang nag-overtake ang motorsiklo ng dalawa sa unahang sasakyan subalit bumulaga ang kasalubong na van. (Danilo Garcia)

Show comments