Mister dinedo ni bayaw

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang ka­wani ng munisipyo matapos na mabaril at mapatay ang kan­yang bayaw sa loob ng kani­lang tahanan sa Sitio Batuhan sa Barangay Buli­ran, San Miguel, Bulacan kamakalawa. Idineklarang patay sa Paulino J.Garcia General Hospital sa Gapan City, Nueva Ecija, ang bik­timang si Juliano Batiansila, 43, habang naaresto naman ang suspek na si Marcos Ma­nuel, 43, kawani ng lokal na pa­mahalaan ng San Miguel. Ayon sa police report, bandang alas-11 ng gabi nang dumating sa kani­lang bahay ang suspek na lango sa alak at hamunin ang kanyang bayaw dahil sa matagal na alitan subalit pina­yapa ng kanyang utol na ba­bae. Dito na nagwala ang sus­pek at binaril ang kan­yang ba­yaw sa loob ng kani­lang taha­nan. Boy Cruz

Show comments