Mister nakaligtas sa 'salvage'

CAVITE, Philippines – Himalang na­buhay ang isang mister makaraang dukutin, sakalin, barilin at itinapon ng tatlong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Bolbok Bridge, Ba­rangay Esperanza Ibaba, Alfonso, Cavite.

Ang biktima ay nakilalang si Hubert Gamboa, 35-an­yos at residente ng Ba­rangay 2, Indang, Cavite.

Nakilala naman ang mga suspek sa alyas nitong Jas­pher, Ben at isang hindi na­kilalang lalaki na ang suot na pang ibaba ay pantalon ng Philippine National Police.

Nabatid sa pulisya na ang biktima ay dinukot at sa­pili­tang isinakay sa isang kotse na hindi nabatid ang numero ng plaka ng tatlong kalala­kihan na armado ng maiksing baril dakong alas-9:00 ng gabi at habang ito ay nasa loob ng kotse ay bini­bigti ng nylon cord ang leeg ng biktima.

Nagpupumiglas ang bik­tima at nagkunwari itong pa­tay na kaya pagsapit sa tulay ng Bolbok ay inihulog siya rito at bago iwanan ay dala­wang ulit na binaril sa may tiyan.

Laking tuwa naman ng pamilya ng biktima nang mabuhay pa ito matapos na tangkaing paslangin. Hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo ng mga suspek na patuloy pa ring tinutugis. (Cristina Timbang)

Show comments