Trader dedo sa holdaper

CAMARINES NORTE, Philippines — Isa na namang negosyante ang ini­ulat na napaslang matapos barilin ng mga holdaper kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Happy Homes Pasig Subd. sa Brgy 2, Daet, Camarines Norte. Napuruhan sa dib­dib si Edgardo Guieb, 41, may-ari ng tindahan sa pamilihang ba­­­yan ng Daet. Base sa police report, lumilitaw na nag-scooter ang biktima papasok ng nabanggit na subdibisyon mula sa kan­yang tindahan sa palengke nang harangin ng dala­wang ‘di-kilalang lalaki. Napag-alamang pumalag ang biktima kaya napilitang barilin ng isa sa dalawang holdaper. Natangay sa biktima ang clutch bag na nagla­laman ng P.2 milyon na sina­sabing kinita sa paninda sa pa­lengke. Mata­tandaang noong nakalipas na Linggo ay isa pang trader na si Eduardo San Juan ang binaril at napatay ng mga holdaper sa Brgy. Guisican sa bayan ng Labo. - Francis Elevado


Show comments