Student nag-suicide sa kahihiyan

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hindi napagbigyan ng ina ang kahilingan na P200 para pam-blowout sa mga kaibigan, nagdesisyong ang isang 19-anyos na hayskul student na magbigti kamakalawa sa kanilang bahay sa Barangay Taloc, Bago City, Negros Occidental.

Natagpuang na­kabitin sa kisame ng kanyang kuwarto gamit ang sintas ng sapatos ang biktimang si Mike Makilan, 1st year high school sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng hepe ng pu­lisya na si P/Supt. Miguel Coronel, nabatid na labis na dinamdam ng biktima nang hindi ito mabigyan ng P 200 na pa-birthday ng kaniyang ina noong Biyernes.

Lulugu-lugong umuwi ang biktima na hindi kumikibo at hindi makausap nitong nakaraang araw simula nang mapahiya sa mga kaibigan hanggang sa magpakamatay ito kung saan nag-iwan rin ng suicide note. (Joy Cantos)

Show comments