Chemist sa droga nalambat

MANILA, Philippines - Isang tsinoy na chemist ng illegal drugs at dalawa pang tauhan nito ang nalam­bat ng tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang pagsalakay sa isa na namang labora­toryo ng shabu sa Cotabato City, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay PDEA Director General Senior Under­secre­tary Dioniso R. Santiago, kinilala ang mga suspek na sina Peter Chou y Ang, 45, may-asawa, operator at chemist sa nasabing laboratory; asawa nitong si Nor­hata Bombong alyas Mylene Donato, 23, at ang kanilang driver na Francis Kit Alonte, 24.

Bandang alas-9:00 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na tropa ng PDEA at Philippine Army ang bisinidad ng Purok Ma­hi­gugmaon, Roales Subdivision, Mother Barangay Rosary Heights sa Cotabato City.

Nakumpiska sa mga sus­ pek ang iba’t ibang kaga­mitan at mga kemikal sa pag­gawa ng shabu; isang Nissan Safari SUV, 132 gramo ng shabu, 290 gramo ng adulterated shabu. (Ricky Tulipat)

Show comments