Rape suspek timbog

SAN MIGUEL, Bulacan, Philippines — Isang karpintero na ika-10 sa most wanted person sa lalawigan ang nadakip kahapon ng pulisya dahil sa umano’y panggagahasa sa isang 11-taong gulang na dalagita. Sa bisa ng Warrant Of Arrest na ipinalabas ni Judge Olivia V. Escubio, naaresto ng mga tauhan ni PCInsp. Julius Caesar Mana ng CIDT-Bulacan ang suspek na si Santiago Jamoro, 36, may-asawa, at residente ng Barangay Sibul sa bayan ng San Miguel. Ayon sa record ng korte, ginahasa ng suspek ang biktima nuong Enero 15, 2009 sa loob ng bahay nito. Nagtago ang suspek makaraang mapagsamantalahan ang biktima. (Boy Cruz)


Show comments