Katiwalang Tsinoy ginilitan

CAVITE, Philippines – Isang 56-anyos na katiwala ng hardware ang iniulat na napaslang makaraang gilitan sa leeg ng ’di-pa kilalang lalaki na sinasabing tumangay ng malaking halaga kamakalawa sa Barangay Tejeron sa bayan ng General Trias, Cavite.

Natagpuang patay sa loob ng Top­yield Hardware ang caretaker na Tsinoy na si Thomas Khaw.

May teorya ang pulisya na tinyempuhang mag­sasara ang hardware dahil sa tanghalian bago isinagawa ang krimen.

May palatandaan puwersahang binuksan ang gate ng tindahan kaya nakapasok ang magnanakaw. (Cristina Timbang)


Show comments