Pinakabatang wanted tiklo

CAMARINES NORTE, Philippines –  Kalaboso ang binagsakan ng isang tinedyer na sinasabing pinakabatang wanted dahil sa pag­tutulak ng bawal na droga makaraang maaresto ng pulisya sa bisinidad ng Purok 7, Barangay 5 sa bayan ng Daet, Ca­marines Norte kamakalawa. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Roberto Escaro ng Daet Regional Trial Court Branch 38, inaresto ng pulisya ang suspek na si Aljon Lopez, 18. Sa tala ng pulisya, si Lopez ay naaresto na rin noong Agosto 13, 2008, matapos makumpiskahan ng 25 sachet ng Marijuana subalit nakatakas at nagtago ng walong buwan. Inirekomenda ng korte ang piyansang P180,000 para pansamantalang makalaya. Francis Elevado

Show comments