Motocross racer todas

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng racing competition ang isang motocross racer makaraang tumilapon sa motorsiklo habang nag-eensayo kamakalawa sa Baungon, Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Torio Domingo, 30, may asawa, at residente ng nabanggit na bayan. Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, nag-eensayo si Domingo para maging kampeon nang mabali ang manibela ng motorsiklo at tumusok sa kanyang leeg.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naga­nap na sakuna. (Ricky Tulipat)


Show comments