Korean trader dinukot

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Isang 24-anyos na Ko­reana ang iniulat na dinu­kot ng mga armadong kala­lakihan kamakalawa ng hapon sa bisinidad ng USM Avenue sa bayan ng Ka­bacan, North Cotabato.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mafen Wo, hipag ni Atchan Wo na may-ari ng Atchan Enterprises at TFKC Enterprises sa Brgy. Poblacion.

Ayon kay P/Supt. Jose Calimutan, hepe ng Intelligence and Investigation Division sa North Cotabato PNP, nasa harap ng tinda­han ang biktima nang la­pitan at tangayin ng mga armadong kalalakihan bago isinakay sa puting Mitsu­bishi Lancer (MBG 174) na pag-aari ni Chairman Datu Abdul Karim Ontong Usman ng Brgy. Bagua-Dos sa Cotabato City.

Samantala, makalipas ang 2-oras matapos kidna­pin si Wo, isa namang Tsi­noy trader ang binaril at nasa ma­lubhang kalaga­yan sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Ayon sa police report, tat­long bala ng baril ang tumama sa tiyan at sa dibdib ni Cesar Lu, isang fish vendor sa bayan ng Pikit at bus inspector ng Weena People’s Transport. - Malu Manar


Show comments