6 biyahero pisak sa truck

LAOAG CITY, Philippines – Napa­aga ang salubong ni kama­tayan sa anim na sibilyan habang pitong iba pa ang iniulat na nasugatan ma­tapos madaganan ng truck na sumalpok sa mabatong gilid ng bundok sa Ba­rangay Pasaleng sa bayan ng Pagudpud malapit sa hangganan ng Ilocos Norte at Cagayan, kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga nama­tay ay sina Redel Taal, 23, ng Sto. Domingo, Ilocos Sur; Brian “BJ” Arellano, 15;  Restituto Dayag, 46; Danny Seria, 33; isang babae na alyas Deline  at si Bernardo Molina ng Magsingal, Ilocos Sur.

Sugatan naman ang dray­ber ng Isuzu forward truck na si Michael Olives ng Lasam, Cagayan; Noli Taal at iba pa na naisugod sa pi­nakamalapit na os­pital.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang aksidente sa pababang bulubunduking section ng highway kung saan tina­wag na “Calvario.”

Napag-alamang nawa­lan ng preno ang truck na patungong Ilocos Sur mula sa bayan ng Lasam, Ca­gayan kaya kaagad na isinalpok ng drayber sa tagiliran ng bundok para hindi mahulog sa malalim na bangin.

Sa lakas ng pagsalpok sa mabatong gilid ng bun­dok, may ilang ulit na bu­maliktad ang truck na du­magan sa mga biktima.


Show comments