19 nalason sa halo-halo

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Labinsiyam-katao ang iniulat na nalason sa pagkain ng halo-halo sa ba­yan ng Pakil, Laguna kama­kalawa.

Ayon kay Dr. Jovenal Rallos, hepe ng General Juan P. Cailles Memorial Dis­trict Hospital, nag-umpi­sang ma-ospital ang mga biktima noong Huwebes na pawang nakakaranas ng pagkahilo, pagtatae at pag­su­suka.

Sa tala ng ospital, pa­wang nakakain ang mga biktima ng halo-halo mula sa Lerma Restaurant na nasa harapan ng nabanggit na ospital sa Barangay Tavera.

Base sa medical check-up ng mga pasyente, ang halo-halo ang common denominator o ang tanging pag­kain bago sila nagka­sakit.

Hindi pa naman matukoy kung ano sa mga ingredient ng panghimagas ang naka­sira sa tiyan ng mga biktima.

Agad din namang pinala­bas sa ospital ang ibang pas­yente matapos mapa­inom ng gamot para sa sakit ng tiyan. Arnell Ozaeta at Ed Amoroso

Show comments