Suspek sa rape nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinatahimik ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang mister na tumatayong tiktik ng military at sinasabing sangkot sa kasong rape makaraang pagbabarilin kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Brgy. Bagacay sa bayan ng Jovellar, Albay. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si Antonio Mostoles, 50, ng Brgy. San Vicente, matapos ratratin habang papauwi mula sa pagbisita sa bahay ng kanyang kaibigan. Nakuha ang karatulang nakasaad na rapist at civilian agent ang biktima. Ed Casulla

Show comments