Mayor grabe sa ambus

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang al­kalde ng Maconacon, Isabela matapos na ratratin ng nag-iisang lalaki sa harapan ng Alejandro Computer Shop sa Barangay Caritan Centro, Tuguegarao City, Cagayan kahapon ng hapon. Kinilala ni P/Chief Supt. Roberto Damian, ang biktima si Maco­nacon Mayor Francisco Talosig na inoobserbahan sa St. Paul Hospital. Batay sa imbestigasyon, lulan ng Hundai van (SFA 795) si Talosig kasama ang security escort na si PO2 Ferdinand Allauigan at dalawang Sang­guniang Bayan member nang ma­ganap ang pana­nambang kung saan tinamaan sa kanang leeg ang biktima. Kabilang sa sinisiyasat ay ang anggulong hidwaan sa pulitika. Victor Martin

Show comments