^

Probinsiya

Mag-asawang kumander ng NPA tiklo

-

BAGUIO CITY, Philippines – Pinani­niwalaang malaking kawa­lan sa hanay ng mga rebel­deng New People’s Army sa Cordillera region at ibang lalawigan, ang pagkakada­kip sa mag-asawang ku­man­der noong Lunes sa bisinidad ng Baguio City.

Sina Jovencio Balweg, 58, alyas Ka Rudy at Ka Dawa, na sinasabing huma­hawak ng ilang sensitibong puwesto sa CPP-NPA hierarchy sa Ilocos  at Cordillera region at asawang si Car­men, alyas Ka Dumay, ay kapwa naaresto sa bisini­dad ng Camp 7 ng mga opera­tiba ng Regional Intelligence and Investigation Division ng Cordillera police, Abra at Baguio pulis at ng 1603rd Police Mobile Group.

Si Balweg, na may pa­tong sa ulo na P1 milyong reward sa kasong murder at frustrated murder, ay may nakabinbing 2-warrant of arrest kung saan pinatay niya ang sariling utol na si Conrado Balweg na ex-rebel-priest turned paramilitary leader noong December 31, 1999.

Ayon kay P/Chief Supt. Orlando Pestano, si Ka Rudy/Dawa ay member ng Executive Committee ng CPP-NPA ng Ilocos-Cordi­lera Regional Party Committee (ICRC) at secretary ng Abra Provincial Party Committee at tumatayo ring alternate secretary ng Provincial Education Department at commanding officer ng Abra NPA command. 

Samantala, si Ka Dumay, ay medical officer at commanding officer din ng Abra NPA command at umaak­tong secretary sa CPP hierarchy sa guerilla zone sa Abra.

Maging ang mga pa­mang­kin ng mag-asawa mula sa bayan ng Malibcong sa Abra kabilang na ang kanilang dalawang anak ay sumapi narin sa NPA. - Artemio A. Dumlao


ABRA

ABRA PROVINCIAL PARTY COMMITTEE

ARTEMIO A

BAGUIO CITY

CHIEF SUPT

CONRADO BALWEG

EXECUTIVE COMMITTEE

KA DUMAY

KA RUDY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with