Kinidnap na magsasaka pinugutan

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang mag­sasakang dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf kung saan pinugutan ito at itapon sa liblib na bahagi ng Brgy. Mangalut sa ba­yan ng Akbar sa Basilan, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ambush interview, kinumpirma ni P/Chief Supt. Bensali Jabarani, ang pamu­mugot sa binihag na bikti­mang si Doroteo Gonzales, 61.

Ang pugot na ulo  ng bik­tima ay positibong ki­nilala ng pamilya nito kung saan na­tagpuan dakong alas-6 ng gabi kamakalawa sa bisi­ni­dad ng nabanggit na ba­rangay pero patuloy pa ring hinahanap ang ka­tawan nito.

Pinaniniwalaang wa­lang pambayad ng ransom ang pamilya ng biktima kaya pinugutan ng grupo nina Furuji Indama at Nur­hassan Jamiri.

Base sa ulat, ang bik­tima ay dinukot ng mga ban­didong Abu Sayyaf sa Brgy. Puruan Buenavista sa Zamboanga City noong Abril at dinala sa Basilan.

Una nang humingi ng P1milyong ransom ang mga bandido hanggang sa naibaba sa P.5 milyon pero nabigo pa rin itong maibi­gay ng pamilya dahil ma­hirap lamang ang mga ito kaya pinugutan ang ka­wawang bihag.

Sa kasalukuyan, ay may walo pang bihag ang ha­wak ng mga bandido kabi­lang ang anim na guro, ang Sri Lankan peace volunteer na si Umar Jaleel at ang isang kawani ng lending firm na dinukot noong Enero at Pebrero 2009.

Matatandaan na ang hostage na si Cosme Abal­les, 40, isang rubber plantation worker ay  halos na­pugutan din matapos tag­pa­sin sa leeg ng mga ban­dido na ang bangkay ay natagpuan sa bisinidad ng Lamitan City noong Abril 13, 2009.

Samantala, pinugutan din ang Peruvian American hostage na si Guillermo Sobero noong Hunyo 12, 2001 bilang regalo ng mga bandido kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mismong Araw ng Ka­sarinlan. (Joy Cantos)


Show comments