Globe cellsite sinunog

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army ang isa na namang cellsite ng Globe Telecommunications sa panibagong paghahasik ng kara­hasan sa Barangay San Vicente sa bayan ng Gigmoto, Catanduanes, kamakalawa. Bandang alauna ng madaling-araw nang lusubin ng mga rebelde ang cellsite kung saan binuhusan ng gasolina ang ilang kagamitan. Kabilang sa mga nasunog ay dalawang aircon at iba pang gamit. Pina­niniwalaan namang pangingikil ng revolutionary tax sa pa­ngasiwaan ng Globe Telecoms ang motibo ng panunu­nog ng mga rebelde. - Ed Casulla


Show comments