Resort owner itinumba

Puerto Galera, Oriental Mindoro, Philippines – Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakapaslang ng di-kilalang salarin sa isang resort owner sa bayang ito noong Linggo ng gabi.

Sa naantalang ulat mula kay Superintendent Roger James Brillantes, ng Puerto Ga­lera police, nakapagpala­bas na sila ng isang carthogra­phic sketch na tumutukoy sa sus­pek na bumaril kay Car­melo Garcia, 47, may-ari ng Sandbar Resort sa Sitio Bo­quete, Puerto Galera.

Ayon sa report, nagkunwari umanong kustomer ang da­lawang kalalakihan at uminom pa ng beer sa restaurant ng nabanggit na resort.

Matapos maubos ang beer, lumapit umano ang isa sa mga suspek kay Garcia na noo’y nakatayo sa bar counter ng resort at pinaputukan ito gamit ang caliber 45 pistol.

Isinugod pa si Garcia sa Municipal Health Center sa Sitio Bagong Pook, Barangay Poblacion pero ideneklara na itong patay ni Dr. Rosse Villaruel dahil sa mga tama ng bala ng baril. (Arnel Ozaeta)

Show comments