15-anyos ni-rape slay ng adik

ILOILO CITY, Philippines – Tugis ng pulisya ang pangunahing suspek na sinasabing adik sa bawal na gamot sa brutal na pagpatay sa isang 15-anyos na babae kung saan hinalay muna bago itinapon sa dumpsite sa Barangay Pandan sa bayan ng Leon, Iloilo noong Martes ng gabi.

Kinilala ng deputy chief of police na si SPO1 Eddie Cal­ fo­foro, ang suspek na si John Mark Cadornigara, 21, ng Brgy. Biri Sur at sinasa­bing may mga nakabinbing ka­song theft, robbery at attemp­ted rape sa nabanggit na bayan.

Natagpuan naman ang bangkay ng biktima na si Maria Jacel Cainglet kung saan nakuha sa crime scene ang head cap na sinasabing pag-aari ng suspek.

Sa inisyal na pagsisiya­sat ng pulisya, lumilitaw na may palatandaang hinalay ang biktima dahil walang pang-ibabang damit subalit isasaila­lim pa sa post-mortem examination para matiyak na may naganap na panghahalay.

Napag-alamang pinalo muna sa ulo ang biktima bago isinagawa ang maitim na balak ng suspek at si­nakal ng baging hanggang sa mapatay. Ronilo Ladrido Pomanog

Show comments